Once again, an affirmation of the primacy of the Filipino “trident tongue” (Francisco Arcellana’s term) in full engagement with literary production is at the core of this Ubod issue. Every mother tongue finds its creative expression and its dynamic reciprocity with Filipino, and English is re-creative—these two languages sharing the same climate of experience and feelings of the local language users.
The plurality and lushness of the written tongues generate a collection of pieces full of consequential prose and verse by a new generation of writers. Regional representation is more comprehensive this time—the creative mode becomes manifest in the varied forms and contents of the works. The writers’ fresh insights and unsullied energies of sense and sensibility are worth serious reading.
Undoubtedly, Ubod has gained a veritable status: Ubod is not just “shoot” but the superlative “very,” alluding to the new writers’ level of competence.
Ubod 2020 has come into being through the efforts of the two sets of members of the National Committee on Literary Arts ( NCLA 2017-2019; NCLA 2020-2022). Salamat sa inyong lahat.
Juliet C. Mallari
Head, NCLA 2020-2022
Ubod ng UBOD
Matagal na rin ang antolohiyang UBOD at may mga pagkakataon pa nga na may serye noon na bawat isang bagong manunulat ay may sariling chapbook. Mga bagong manunulat na may mga pangako wika nga at kinakitaan ng husay o galing bagama’t mga bubot pa. Sa mga nakaraang tomo ng UBOD, puro nga mga bubot ang itinatampok. Mga bata.
Ngayong 2020, magkakasama ang mga bubot kung edad ang pag-uusapan at may mga tamang baguhan lamang dahil ngayon lamang sila maililimbag o magiging bahagi ng antolohiya kahit pa may mga nagtuturo na noon pa o nagsusulat na noon pa pero ngayon lamang mabibinyagan sabi nga. Anuman, silang lahat ay ilan sa mga nangungunang manunulat sa kanilang sariling hanay o henerasyon. Anuman ang wika o kinabibilangang rehiyon. Samutsari ang paksa at may mga pakanang malilikhain sa kabuuang iniikutan ng mga akda dito sa nabanggit na antolohiya at ang bawat akda rin ay masasabing patotoo na oo nga, walang iisang mukha ang bawat paninindigan, realidad man o imahinasyon lamang at lahat na ng nasa mga pagitan at mga patlang. Isang buhay na ubod ng UBOD ang lahat ng kabilang dito–sa paniniwalang minsan, ang simula ang higit na mahalaga sa bawat paghakbang, kasama na ang bawat danas sa mas masalimuot na mundo ng malikhaing pagsulat.
Ang kalamangan, marahil ng bawat manunulat: nakaaakyat siya malimit sa patutunguhan kahit na wala ni isang hagdan.
Lagi na,isang inaasahang magandang balita ang paglitaw ng bawat antolohiya,lalo’t makikilala ang ilang bagong tinig o kaya naman di nga mga kabaguhan pero nag-iba naman ng kategorya o genre sa unang pagkakataon. Sa ganitong mga ubod na manunulat kung tutuusin higit ding makikita ang ilang likas na kapangyarihan ng panitikan.
Tulad na lamang ng patuloy na nilay sa iba’t ibang perspektibo ukol sa alab. Alab na kakabit mismo ng sigasig ng imahinasyon at mga kaugnay na hulagway. Magkakaibang alab ang tampok sa maraming akda dito, anuman ang wika, pero batay, halimbawa, sa pananaw-Kerouac, lahat naman ay halos patungo sa sumasabog na liwanag at ang tinatawag na “pagsambulat ng mga gagamba sa mga bituin”. Ang ibig lamang sabihin: hindi nagtitipid ng/sa imahinasyon ang maraming manunulat dito sa UBOD.
O tulad ng tapang o kapangahasan ng isang umuusbong pa lamang. Parang walang pakundangan pero ang totoo, naririto rin ang mga akdang pasok sa di mabitaw-bitawang rubdob ni Arundhati–na huwag umano pipikit o magbubulag-bulagan. Upang di makalimot. Pagkat ang manunulat at ang alaala ay iisa.
Iisa sa tinatawag din ni Frank Herbert na: ang totoong mundo o uniberso ay lagi nang lamang ng isang hakbang lampas sa lohika ng bagay-bagay.
Niles Jordan Breis