Mayro’ng lunas sa pighati at kawalan
Ng pag-ibig sa sarili—mapaparam
Ang tinig ko sa pagsikat nitong araw.
Ang awit ko’y titigil na sa pagkinang
At ang mundo’y di na ako mahahagkan
Pagkat lason sa dugo ko ang gagapang.
Madarama ang paghitngo sap ag-iral
Ng iisa’t abang buhay at ng lumbay
Na alam kong maaaring di mangyari.
Kung hindi ko magagawang humulagpos,
Hanggang ngayon, ang ngiti ko’y magpapanggap
At karimlan ang s’ya pa ring kakandili
Sa sarili. Kaluluwa’y saydang kapos.
Walang gamot na sa hapis ay aampat.