Icarus

I

Maminsan manen nga umungngonak
iti daga a nagbeddengan
ti biag
ken ipapatay.
Sapulek ti simmina nga ipus
nga ingguyod ti nadagsen nga arapaap.
Ngem no diakon mabirokan,
urayek a rumusing
ti baro a bagi,
ti baro a biag.
Naramanak kampay idi ti timmayab
iti rabaw dagiti tagainep;
puted gayam dagiti payak.
Nagtupak.
Daydi kararuak
iti namagan a pitak.


Icarus

Minsan pang ako’y hahalik
sa lupang hangganan
ng buhay
at paglisan.
Hahanapin ko ang humiwalay na buntot
na hinila ng mabigat na pangarap.
At kung di ko na mahagilap,
hihintayin kong sumibol
ang bagong katawan,
ang bagong buhay.
Tinangka ko ring lumipad
sa rurok ng mga panaginip;
bali pala ang mga pakpak.
Lumagapak.
Ang kaluluwa
sa tuyong putik.

About the author

Pearl Lovedyn A. Dacuag

Siya ay tubong Union, Gamu, Isabela. Nagtapos siya sa University of the Philippines Baguio noong 2010 at nagtrabaho sa tatlong estasyon ng Bombo Radyo Philippines (Baguio City, Naga City, at La Union) sa loob ng 10 taon.

By Pearl Lovedyn A. Dacuag