Kawar

K

In-inutek a dilpatan dagiti
kimpet a tapok iti daan nga ebkas
bay-ak nga agluom,
dagiti naganus a balikas
purosendanto sakbay nga agtinnag.

Yaplagko dagiti dagensen
nga imbaklayko iti naunday,
lumtuad ti limmumlom a bagi,
umaddang.

Baniosak ti kararua, maikkat
daydi inkawes nga unget ken gura
iti innak ipapanaw,
ken idadateng.

agdapdapon dagiti kulalanti
iti tanap
iti sardam.


Tanikala

Dahan-dahan kong hihimurin
ang dumikit na alikabok sa lumang sambit
hahayaan kong mahinog,
ang mga hilaw na salita;
pipitasin nila bago mahulog.

Ilalatag ko ang mga pasanin
na kinarga nang matagal.
aahon ang lumubog na katawan,
hahakbang.

Maghihilamos ang kaluluwa at mabubura
ang suot na poot at galit
sa aking paglisan,
at pagdating.

nagtitipon ang mga alitaptap
sa parang
sa hapon.

About the author

Pearl Lovedyn A. Dacuag

Siya ay tubong Union, Gamu, Isabela. Nagtapos siya sa University of the Philippines Baguio noong 2010 at nagtrabaho sa tatlong estasyon ng Bombo Radyo Philippines (Baguio City, Naga City, at La Union) sa loob ng 10 taon.

By Pearl Lovedyn A. Dacuag