Kaya Ko pang Magbilang

K

Naghahati ang hapon at umaga sa pagitan
ng alas-singko at alas-otso at alas-otso at alas-singko.
Ikalabindalawang araw ng pagkukulong: dalawang bote na lang
ng nabilad na San Mig Light ang nagpapagaan sa araw ko.
Tatlong kilong bigas
limang de lata
apat na instant noodles
limang energen
ang gumising sa akin kaninang umaga siyam
na doktor ang namatay sa ospital siyamnapu’t
pito na ang inuubo’t nilalagnat apatnapu’t
siyam ang nanghihingalo.

Limang gabí na akong nagsasarili.
Nangangalay na ako. Hindi ko na kayang maglibang.

About the author

Agatha Buensalida

Isa sa mga aktibong kasapi ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA). Naging fellow rin siya sa UST National Writers’ Workshop at sa Cavite Young Writers Online Workshop. Napabilang ang kanyang mga tula sa ilang publikasyon, katulad ng BAGA at LILA: Antolohiya ng mga Babaeng Makata ng LIRA.

By Agatha Buensalida