Upa

U

Parang barat na nangungupahan
Ang itinagong anak sa labas—
Sakop niya ang buong tahanan
Ng legal na maybahay at anak.

Di niya kailangang magbayad
Ng kaniyang lugar sa pamilya,
Ang ama ang humingi ng tawad
Sa binigong anak at asawa.

Ngunit utang pa rin ang espasyo.
Mananatiling di maaangkin
Maski pa maging mabuting tao,
Laging nakaantabay ang singil.

Matimbang man sala ang dugo,
Poot ay di pa rin mapupugto.

About the author

Agatha Buensalida

Isa sa mga aktibong kasapi ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA). Naging fellow rin siya sa UST National Writers’ Workshop at sa Cavite Young Writers Online Workshop. Napabilang ang kanyang mga tula sa ilang publikasyon, katulad ng BAGA at LILA: Antolohiya ng mga Babaeng Makata ng LIRA.

By Agatha Buensalida