AuthorAdhoniz Rebong

Isang makata sa Filipino. Nagtapos sa UPV Miag-ao sa Iloilo. Naging bahagi ng University of San Agustin Fray Luis de Leon Institute Writers Workshop.

Elehiya para sa Mandudula

E

Itinuon mo ang iyong paglisanSa pag-angat ng mga kurtinaUpang magbigay daan sa pagsisimulaNg pagtatanghal ng iyong dulangWalang ganap na habaNgunit ay nagtapos na. Bakante na ngayon ang upuangNakalaan lagi para sa iyoSa tuwing tayo’y nag-eensayo.Manaka-naka’y nililingon ko itoDahil sa pagbabakasakalingMasulyapan pa kita rito. Maging ang buong entabladongPinuno natin ng sigawa’t tawana’yNalunod na...

Ang Lumang Relo

A

Hindi natinag noon ang aleNang malaman kinaumagahanNa siya’y iniwan ng nobyoIlang sandali paglipas ng hatinggabi.Kalmado niyang ipinasok sa kahonMga gamit at alaala ng lokoAt isinalansan sa likod ng kamaligNa siyang malayo sa kaniyang abotUpang hindi na ito makasagabalSa kaniyang mga aatupagin. Gayunman, paminsan-minsa’yKaniya pa ring binibisitaSa sandali ng kalungkutanAng pinaglumaang reloNa...

Kung ang Tigdas Ay Naging Pag-ibig

K

Marahil ay hindi na ako magtatakaSa dumadaluhong at damuhongPagtanggi sa pagbabakunaKung pag-ibig ang siyang kumakalat.Sino ba naman kasi ang hangalNa hindi gugustuhing mahawaKung ang lumalaganap sa bayanAy ang minimithing pagsintaNa malimit mo na lang nakikita. Siguradong maghihiyawan sa tuwaAng mga dalubhasa’t madlaTuwing ibabalita sa TV at radyoNa lumobo na naman ang bilangNg mga tinamaan ng...

Pamamaalam sa Iiwang Dalampasigan

P

Naitiklop na ang mga payong.Simot na ang ulam sa mga kaldero.Umalis na ang huling biyahe pauwi sa amin.Masakit na ang kagat ng mga lamok.Ngunit naghihintay pa rin ako.Nakaupo, kaharap ng malayong isla sa dulo. Tinitigan ko ang asul na kawalanHabang nilulunod ako ng mga gunitangSumasabay sa himig ng mga alonAt wagayway ng asin sa malamig na hangin.Hinihintay ko na manumbalik sa ’kinPira-pirasong...

Duyan

D

Halika, huwag ka mag-alinlangangIugoy ang iyong katawanSa bisig ng aking duyan.Kalimutan mo ang iyong takot,Hindi ka naman mahuhulog―Hahawakan kita nang mahigpit.Sa simula’y matrabaho ito,Kailangan mo munang magkusaTulad ng pagturo mo sa ’kin noonKung paano sumayaw sa himigNg pagaspas ng mga dahon.Huwag ka lang magmadaliNang hindi ka agarang mapagod,Unti-unti’y makukuha din natinAng indayog na...