AuthorEmmanuel Jayson Bolata

Nagmula siya sa Marinduque. Isa sa mga batang guro na may matalas at mapanuring manunulat mula sa Timog Katagalugan. Nagtapos at nakakuha ng Magna Cum Laude sa History sa University of the Philippines at kasalukuyan ding nagtuturo sa nasabing unibersidad.

Ilang Talang Di-buo sa Pag-aaghamtao: Isang Bulawlaw na Pagsasanaysay

I

{1} Sabi ng isang pilosopong ayaw sa matanong, di niya gusto ang mga tanong dahil nagmumukha kang walang isasagot. Tinatanong nila ako, “Taga-Marinduque ka baga?” O minsan, ang kabaliktaran: “Akala ko taga-Marinduque ka?” Tama siguro ang pilosopo. Di ko rin kasi alam, e. ‘Yung nanay ko, tubo talaga roon. Lumaking kabisado ng talampakan ang pilapil. May pilat sa tuhod. Noong bata pa, tumikangkang...