AuthorPaolo Tiausas

Nagmula sa Pasig City. Awtor siya ng chapbook na Isang Taong Maghapon. Nakapaglimbag din siya ng mga tula sa Kritika Kultura, Likhaan: The Journal of Contemporary Philippine Literature, Rambutan Literary Journal, Heights, Softblow, Plural: Online Prose Journal at The Philippines Free Press.

Cutter

C

PINAKAHASA ang mga blade ng cutter kapag hindi pa naikakasa. Isa sa mga alaalang hindi ko matanto ay kung bakit tila may boses na nagsasalaysay sa aking isip, o bakit may ganitong pagiging malay sa sarili at sa pangyayari, bagaman bata pa. Nailabas ko sa lalagyan ang mga blade ng cutter. May talim pa kahit ang ningning nito. Hinahati ng ilang mga diagonal na linya ang haba, dito maaaring kalasin...