Pinunit ng paglipad ng isang malaking uwak ang tanaw ni Renante sa gubat. Sinundan niya ito ng tingin hanggang dumapo sa palapa ng katabing lubi. Nahiga si Renante sa damuhan, Nanginginain pa rin si Kardo sa may kawayanan. Nakipagtitigan ang ibon kay Renante. Wari’y naamoy ng ibon ang alingasaw ng kapaguran nilang mga leybor. Mabilis na lumipad ang ibon pakanluran. Nag-iba na nga ang panahon...
Faithful and Virtuous Night
Bawat taon, nag-iipon si Mama ng mga puwede nang itapong mga plastik, resibo, papel, sapatos, bag, appliances, tools, at iba pang bagay. Nagkalat sa sahig ang mga alahas, lumang cellphone, at mga gamit niya sa trabaho: torniquette, needles, syringes, betadine, alcohol swabs, gas masks, cotton buds, stool containers, at surgical tapes. Bakit siya naging hoarder ng mga gamit? Nakapagtataka. Mula...
Cutter
PINAKAHASA ang mga blade ng cutter kapag hindi pa naikakasa. Isa sa mga alaalang hindi ko matanto ay kung bakit tila may boses na nagsasalaysay sa aking isip, o bakit may ganitong pagiging malay sa sarili at sa pangyayari, bagaman bata pa. Nailabas ko sa lalagyan ang mga blade ng cutter. May talim pa kahit ang ningning nito. Hinahati ng ilang mga diagonal na linya ang haba, dito maaaring kalasin...
Tuwing Dayátan
Andyleen Feje Mananapat kami sa bukid Upang marating ang inyong Sementado’t napalitadang bahay— Kakalabitin ng mga pasyok Ang aming binti. Paiigtingin Ang paalalang kailangan nang humiram: Ng pang araro, pang sibar, at duket; Pambili ng binhi, pang upang bunot, Bayad sabog-tanim, pampamiryenda— pampataba. Sa pintuan ninyo, huhubarin Ang gusgusing tsinelas; idadampi Ang paang namamalikas sa...