Isang araw ay dumating ang mga taga-munisipyo at kapitolyo, kasama ang negosyanteng bitbit ay pangako ng pag-unlad sa mga tao:
humiyaw ang mga chainsaw
pinaslang ang mga engkanto at maligno, gubat ay nakalbo at hindi naglaon nakaranas ng gutom ang mga tao.
Umusbong ang mga subdibisyon sa paligid ng bundok,
inilibing sa sementadong kalsada ang ekta-ektaryang palayan at maisan, tumubo ang magagarang bahay, at saka binakuran
upang hindi makapasok silang dati’y nagbungkal
ng ekta-ektaryang palayan at maisan.
Kasamang nalibing ang hanapbuhay nilang mga parm leybor Na umaasa sa patrabaho ng mga amo
Kaya marami sa kanila ay dumadayo
kung may patrabaho sa kabilang ibayo,
o kaya nama’y nagkokonstraksyon sa ginagawang subdibisyon,
o gusali,
o kalsada
o kaya nama’y namamakla sa bayan.
Bulung-bulungan nga sa mga igiban
Ang nauusong ekstrahan sa panahon ng kagipitan.