AuthorArthur Allen P. Baldevarona

Guro sa Rizal National High School sa Rizal, Nueva Ecija. Naging fellow sa Nueva Ecija Personal Essay Writing Workshop 2018. Kasapi ng Samahang Lazaro Francisco at finalist sa Unang Gawad Lazaro Francisco noong Pebrero 2020.

Tandang Supeng

T

“Hanguin niyo na ang inyong mga sampay,” sabi ni Tandang Supeng sa may-ari ng bakuran na pinasukan niya. “Nariyan na ang ulan sa silangan.” “Kami na po,” sabi ng may-ari ng bahay. Bakas ang irita sa kunot nitong mukha. “May nagsabi kasing ako ang hahango ng inyong mga sinampay.” “Wala.” Ang tinig, malakas, pirmi at matigas. “Hanguin niyo na. Lalo na yung mga damit ng sanggol.” Nakatalikod na ito...