AuthorHonorio Bartolome de Dios

Nagmula siya Marilao Bulacan. Nag-aral ng sociology at kalaunan ay nakilahok sa mga gawaing pangmasa. Sa ngayon, patuloy pa rin ang kaniyang paghahanap at ang pinagyamang karanasan ang ginagamit niyang panulat upang lumikha ng mga kuwento.

Yungib

Y

Mainit ang buntong-hininga ng kagubatan sa San Bartolome. Tinutuyo ng tag-init ang mga sakahan ngayong panahon ng tag-ulan. Kaya hilahod ang tuhod ni Kardo, bumubula ang bibig habang ngumunguya ng hangin,habang pinapalis ng buntotang mga insektong sa kanyang laman nanginginainsa ga-santol na sugat na ayaw gumaling. Namumutok ang mga braso at binti ni Renante habang sinusuyod-ginagaod ang ararong...

Gubat

G

Nagmadali ang kalam ng sikmura,nagparamdam ang ngawit ng braso at balakang. “Kapuy kaayo!” hudyat ni Renante. “Gutom na,” sagot ni Mario. Mabilis na inilatag ng dalawa ang bitbit na tanghalian: isang kalderong kanin at isang lata ng sardinas, dagdag sa mahabang listahan sa tindahan. Manipis ang lilim ng mga palapa ng lubing binaog ng bagyong nagdaan, pero pahinga ang hatid ng lamig nito sa mga...

Pagbabago

P

Isang araw ay dumating ang mga taga-munisipyo at kapitolyo, kasama ang negosyanteng bitbit ay pangako ng pag-unlad sa mga tao: humiyaw ang mga chainsaw pinaslang ang mga engkanto at maligno, gubat ay nakalbo at hindi naglaon nakaranas ng gutom ang mga tao. Umusbong ang mga subdibisyon sa paligid ng bundok, inilibing sa sementadong kalsada ang ekta-ektaryang palayan at maisan, tumubo ang...

Walang nabago

W

Pinunit ng paglipad ng isang malaking uwak ang tanaw ni Renante sa gubat. Sinundan niya ito ng tingin hanggang dumapo sa palapa ng katabing lubi. Nahiga si Renante sa damuhan, Nanginginain pa rin si Kardo sa may kawayanan. Nakipagtitigan ang ibon kay Renante. Wari’y naamoy ng ibon ang alingasaw ng kapaguran nilang mga leybor. Mabilis na lumipad ang ibon pakanluran. Nag-iba na nga ang panahon...