Sa Punta kang Dalan Pabaybay

S

Sa punta kang dalan pabaybay,
gabukas ang tuktukun nga gawang kang kalbaryo.
nangin kudal ang nasari-sari nga kwarto,
kang mga nahilway na sa tawhanon nga bagay,
kung sa diin ang nabilin nga handumanan,
nalubung na gid lang sa huna-huna kag paminsarun.
Ang mga bulak sa tubang kang nasari-sari nga kwarto:
pinuksi-an ukon binakal, nakahigot ukon nakabutang sa baso,
may gagmay, daragkul, plastik man kag ang mga nagakalaya.
Bakante ang lupa sa tunga —
may gatubo nga pinasahi nga bulak,
lila ang bukad, anang sinipad daw ginkumus nga papel
nga kon sa diin nakasulat ang mga kasal-anan.


Sa Dulo ng Daan Padagat

Sa dulo ng daan padagat,
bumubukas ang kalawanging pintuan ng kalbaryo,
naging bakod ang iba’t ibang kuwarto
ng mga nakalaya na sa makamundong bagay,
kung saan ang natirang mga paalaala,
nilibing na lang sa diwa at isip.
Ang mga bulaklak sa harapan ng iba’t ibang kuwarto:
pinutol o binili, nakatali o nakalagay sa baso,
may maliliit, malalaki, plastik man o nalalanta.
Bakante ang lupa sa gitna—
may tumubong natatanging halaman,
lila ang bulaklak, ang talulot parang kinumos na papel,
kung saan nakasulat ang mga kasalanan.

About the author

Bea Altar

Siya ay mula sa Hamtic, Antique. Nag-aaral sa University of San Agustin. Masugid na tagapagsubaybay ng literaturang Kinaray-a.

By Bea Altar