Sa kanamitun, wara gid may makatupung,
Sa pagdukut sa tangun, sa katam-is kag sa kaawutun;
Ang pagpalangga mo Nay daw butong-butong.
Kang ako imo pa lang ginabusong
Ang kasadya sa imong baratyagun,
Sa kanamitun, wara gid may makatupung.
Kang ako nagapasaway na, sa kuna nakakurong
Ginabinyat ka husto ang imong pagkamapasensyahun
Ang pagpalangga mo Nay daw butong-butong.
Sa pagsaka sa entablado, wara may makapugung,
Ang imong yuhum, sa pagtakud kang ribbon
Sa kanamitun, wara gid may makatupung.
Kung haros pa lang ako dunoton mo sa lusong
Kang ako dasig run magsinabatun kag tiko magrason
Ang pagpalangga mo Nay daw butong-butong.
Bisan pa ikaw nabudlayan na kag gakurisung,
Ang imong pagpapalangga rudyan man sagihapon
Sa kanamitun, wara gid may makatupung,
Ang pagpalangga mo Nay daw butong-butong.
Butong-Butong
Sa sarap, wala talagang makakapantay,
Sa pagdikit sa ngalangala, sa tamis at sa ganit,
Ang pagmamahal mo, Nay, parang butong-butong.
Noong ako pa lamang ay iyong pinagbubuntis
Ang kaligayahan na iyong naramdaman
Sa sarap, wala talagang makakapantay.
Noong ako ay naging pasaway na, sa kuna nakakulong,
Iniinat nang husto ang iyong pagiging mapagpasensya.
Ang pagmamahal mo, Nay, parang butong-butong.
Sa pag-akyat ko sa entablado, walang makakapagpigil
Sa iyong ngiti sa paglagay ng ribon,
Sa sarap, wala talagang makakapantay.
Kung maari pa lang ako ay pulbusin mo sa lusong
Noong ako ay mabilis nang sumagot-sagot at baluktot kung magdahilan,
Ang pagmamahal mo, Nay, parang butong-butong.
Kahit ikaw ay nahihirapan na at nakasimangot
Ang iyong pagmamahal nariyan pa rin.
Ang pagmamahal mo, Nay, parang butong-butong.
Sa sarap, wala talagang makakapantay.