AuthorVanessa Haro

Naninirahan at lumaki sa probinsya ng Gumaca, Quezon. Nagtapos siya ng BA Psychology (Southern Luzon State University-Lucban) at kasalukuyang ginugugol ang panahon sa MA Psychology (Lyceum of the Philippines University-Laguna).

Maging sa Silid

M

tahimik ang dagat nang madatnan mo. walang along humahaplos sa dawag ng espasyo. may kumakaluskos lamang na bakawan, humahalo sa humihingal na hangin. narito ka sa aking silid. pagmasdan mo ang mga sangang nakalutang sa tubig. ang dahan-dahang pagsasara ng pinto ng aking bibig. pagmasdan mong humahalik sa’yo ang lambak sa kabilang isla. ang sahig ng aking palad na dumadampi sa pusod ng gabi. ang...

Sa Aming Sala

S

May nangingiming agwat ang mga upuan na lalong napupunaTuwing katanghaliang tapat. Mapagbiro ang araw. Pinatitingkad niya ang kalungkutan sa mga bagay na hindi kumikibo. Kagaya ng mga puwang sa tahanan: Kung kikirot itong mga agwat na dumadapo sa aking batokTuwing ihihimlay ng pangamba ang pagal na katawan, Pipiliin pa rin ng nginig ang agwat na kukuwit sa antok.Masdan. Apat na upuan ang...

No Permanent Address

N

Palagi kaming lumilikas mula sa hindi tiyak na sakuna.Akala ko noong una, likas ang pag-iimpakeNg sari-sariling lungkot.Ang paghahakot ng mga kubyertos at taboSa iisang kahon.Ang pagmamadaling abutin ang mga damitNa nakasampay sa balustre ng hagdan.Hindi ko na maunawaan ang pagkakaiba ngKaba ng paghimpil sa kaba ng paglisan.O ang paghimpil ng kaba tuwing lilisan.Kung may naunawaan man ako ay...

Madalas Maligaw ang Tayuman sa SLEX

M

Aaminin ko: mas nadarama kita tuwing hindi nahahawakan. Madalas kong hindi sabihin sa’yong gabi-gabi ko pa ring binabasa ang mga lihim ng ‘yong mga liham sa tinagpi-tagpi ko nang mga sugat. Gabi-gabi, tagpi-tagpi ang mga tagpo tuwing pipikit ang aking mga mata. Madalas kong hindi sabihin sa’yong hindi kalsada ang ating mga pagitan kahit na may SLEX sa ibabaw ng aking mga pilik. Kumikitid itong...

Gabi, Sa Lucban

G

Kung minsan, gusto kong isiping sabayKaming gumulang ng hangin. Ipinagpapalagay ko,O ng hangin bilang ako, na sabay kaming dumaus-osSa kaluskos ng kurtinang may burda;Sa labi ng mga nakayuping dahon sa paso; Sa iyong mga labi –sa iyong mga labi. Ganito ko tiniis ang pangangatal noong isang gabi:Isang gabi, walang buwan. Tila buhok ng aking ama ang mga ulap.Binabalakubak ang langit sa mga tala...

Mga Nawawalang Pasahero

M

isang paniniguro: batid natin ang layo ng guhit-tagpuan.nakarehistro na sa isip ang bilang ng oras; mga lugar na titigilanng sinasakyang dyip; at mga pasikot-sikot sa hindi matukoy na pakiramdam.marahil, kung tatangkaing pangalanan ang mga panandaliang emosyonnitong labing tikom rin sa damdamin, nanaisin na lamang nitong maligaw samalalamig na mga halik ng kape tw’ing magigising.kung itong...

Maging sa Silid

M

tahimik ang dagat nang madatnan mo. walang along humahaplos sadawag ng espasyo. may kumakaluskos lamang na bakawan, humahalosa humihingal na hangin. narito ka sa aking silid. pagmasdan mo ang mgasangang nakalutang sa tubig. ang dahan-dahang pagsasara ng pinto ngaking bibig. pagmasdan mong humahalik sa’yo ang lambak sa kabilangisla. ang sahig ng aking palad na dumadampi sa pusod ng gabi...

Sa Recto, May Lucban

S

Tuwing sumasayaw ang Recto sa trapik,lugar ang aking dibdib ng mga pagtataksil.Parang ganito: isang gabi, sa interseksyon ng Tayabas at Lucban,sa ilalim ng lamig at himig ng mga kulisap,hilera ang mga puwang sa pagkukrusng ating mga labi. Hile-hilera ang banta ng ating mga matangnananawagan sa mga huli:huling banggaan ng mga siko;huling umpugan sa bubong ng mga dibdib;huling sagasa ng mga labi sa...