Introduksyon Paano itutula’t iuulat ang kawalan—ng alaala, ng kapasidad na umibig, ng kapangyarihang ihayag ang galit sa gitna ng gutom? Paano binabawian ng dila ang tumutunghay sa mga representasyon ng sarili, upang sa pagbulalas ng tutol at palag ay makikita na may iba pa palang naratibo at kuwento sa nakasanayang bista? Maraming paraan ng pag-iral, maraming pagsipat sa pag-iral. Pero ang...
Walang nabago
Pinunit ng paglipad ng isang malaking uwak ang tanaw ni Renante sa gubat. Sinundan niya ito ng tingin hanggang dumapo sa palapa ng katabing lubi. Nahiga si Renante sa damuhan, Nanginginain pa rin si Kardo sa may kawayanan. Nakipagtitigan ang ibon kay Renante. Wari’y naamoy ng ibon ang alingasaw ng kapaguran nilang mga leybor. Mabilis na lumipad ang ibon pakanluran. Nag-iba na nga ang panahon...
Maravillas
1.Ang daan patungo sa iyong tahanan. Ang iyong hininga. Ang iyong dalamhati. Ang mga lihim na tunog ng iyong katawan. Ang lihim na kulay ng iyong laman. Ang taya ng panahon sa araw ng iyong kapanganakan. Ang mga naglaho mong alaala. Ang katunayang ilang bilyong ulit nilakbay nitong patak ng dugo ang bawat sulok ng iyong kalooban. Ang lasa ng iyong dugo. Ang mga pinagliitan mong baro. Ang...
Pompeii
Naroon ang mga kasangkapankung paano iniwan. Walang imik ang mga lansangang naparamsa gitna ng paglikas. Dumaluhong ang kumukulong abo,bato, mga siglo— Lumambongsa balangkas ng lungsod. Lumikha ng hugis-taong guwangsa sapin-saping tiningang mga naglahong katawan. Walang nag-alalao nakaalala. Mangmang ang bagong saltasa mga hiwatig ng lupa. Nang sa wakas bungkalin,ito’y upang magpunla,hindi...
Kuliglig
Hindi libingan. Sa halip,ikalawang sinapupunan.Mahimbingang mga murang anyongkinukumutan ng parang.Labimpitong taonLingid ito sa mga mata.Tinatawid ang iba’t ibang dilimng lupa at hangin.Sa tamang panahon,isa-isang magigising.Humahangos na tutunguhinang rabaw. Bibitak ang lupa, bubukadang mga pakpak—Babasagin sa magdamagang malaong pananahimik.Hindi sila aabutanng liwanag.Tanging sa tunognagiging...
Kumunoy
Tinakdang kapresyo nang darak ang bigas.Samantalang ang mga anakng mga panginoong ayni hindi man lamang sumasayadang mga bulak na talampakansa putikan. Hindi kilala ng kanilang paaang mga tibak at alipunga. Ito lang ang alam nila: tirikanng kandila ang mga pilapil—gawing subdivision at mall ang mga sakahan.Tigmakin ang mga pesante ng pestidyo’tdoon sila ilubog, sa lupang kailanman ayhindi...
Tinubuang Yuta
Hindi na kami umabot sa dayátanNito kasing nakaraang anihan,Laksa-laksa kaming ginapas—kinamáda.Singilan na raw anila ng pinautang na punlâ. Dahil pandak pa rin ang karyadaKami na lang daw ang gagawing kinaban.Siniksik kami sa bunganga ng tilyadoraSinuka kami’t sinilid sa sako— Tinahi ang mga bunganga ng leteng. Mga dating bános ngayo’y binasbasan,Ng mga paring kanilang kapanig at kapanalig,Upang...
Walang Panginoon
Sakaling bawiin manNg ‘yong ama ang sakahanAy ‘wag kang mag-alala.Mananatili akong magsasaka. Iyayakap ko angMay putik pang paladSa sariling puso—Dudukutin. Pagkatapos,Isasahod ang lahatNg tutulong dugoSa ginto n’yang baso.Ito ang huli kong serbisyo. Serbesa para sa ‘yong ama. Hihiwain ang puso sa gitna;Palamlam’nan ng pagung-pagongan,Atangyá, kagaygay, susô,at berdeng ngusong kabayo. Ipaalalang...
Yungib
Mainit ang buntong-hininga ng kagubatan sa San Bartolome. Tinutuyo ng tag-init ang mga sakahan ngayong panahon ng tag-ulan. Kaya hilahod ang tuhod ni Kardo, bumubula ang bibig habang ngumunguya ng hangin,habang pinapalis ng buntotang mga insektong sa kanyang laman nanginginainsa ga-santol na sugat na ayaw gumaling. Namumutok ang mga braso at binti ni Renante habang sinusuyod-ginagaod ang ararong...
Gubat
Nagmadali ang kalam ng sikmura,nagparamdam ang ngawit ng braso at balakang. “Kapuy kaayo!” hudyat ni Renante. “Gutom na,” sagot ni Mario. Mabilis na inilatag ng dalawa ang bitbit na tanghalian: isang kalderong kanin at isang lata ng sardinas, dagdag sa mahabang listahan sa tindahan. Manipis ang lilim ng mga palapa ng lubing binaog ng bagyong nagdaan, pero pahinga ang hatid ng lamig nito sa mga...